image




Friday, September 08, 2006

wala akong maisip na title ng post ko kaya obviously untitled sya.
dami kasi nangyari sa'kin ngayong Friday, uhmm,di sya ganun kadami but still meron. :)

nag-quiz kami kanina sa Chemistry, good luck sa'kin. Lumabas naman yung mga pinag-aralan ko di ko lang alam if tama mga sagot ko,hahaha.napaka-careless ko kasi eh. :s
nasayang pa nga yung lab gown na dala ko eh, akala kasi namin magpeperform kami ng lab hindi naman pala.tsktsk..wala na kaming class ng 1:30 kasi may program, search for Mr. and Ms. AHSE, hindi nga ako nanood kasi naman wala na kaming maupuan ng mga kaibigan ko. Inubos namin ang 1:30-3:00 namin para magpractice ng cheering dance namin para sa PE sa Monday. Kamusta naman diba?Choir member ako hindi ako cheerdancer eventhough dancing is one of my frustrations in life.Haha.

Pero in fairness, may nagawa akong mabuti ngayon. Kasi ganito yun, may nagapproach samin na group of students from higher batch, nung una nga dineadma ko pa kasi may issue nga ng Hypnotism within the school vicinity wherein ang mga suspect eh nakasuot ng school uniform ng TUA pero they're not really students of the university. So ayun nga, si Rachelle lang kumausap sa kanya pero wala naman nangyari kay Chelle, di naman sya nahypnotize kaya tinignan ko na rin sila. ;p

Humingi sila ng tulong para sa classmate nila na nagkaroon ng dengue, kasi daw every 5 hours nagpapa-CBC yung classmate nila, naawa naman ako kasi alam ko ang pakiramdam ng magpa-CBC kasi anemic ako, masakit yun ah. Kaya ayun, 20 pesos nabigay ko kasi wala na akong pera eh, pero at least nakatulong ako diba, nasa kanila na yun kung totoo yung sinasabi nila at least nakagawa ako ng mabuti lalo na ngayong birthday ni Mama Mary. :)
|
loved by DANA 10:11 PM