.......Wala akong maisip na title ng post ko,gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ako.
Warning to those who hate reading mushy-slash-hate post.
Oh well,eto na naman.May nanggugulo na naman ng buhay ko.Bakit ba kung kelan tahimik na 'ko tyaka naman may gumugulo?Ano ba talaga gusto niyo?Hindi ba lumayo na 'ko para lang maging masaya kayo at maging tahimik at masaya na rin ako.
Bakit ba hindi niyo na lang pakealaman mga buhay niyo?Kelangan bang pati ako na nananahimik dito at pinagpapatuloy ang buhay ay pestihin pa?Matanong ko nga,may ginawa ba akong masama para bwisitin niyo ko?At pag tinamaan ka naman ng lintik,ngayon pang araw na 'to kung kelan maganda ang umpisa.Syet naman!
Ang mga tao nga naman,walang magawa sa buhay.Hindi mo nga alam kung talagang may galit sa'yo o pinagtritripan ka lang o 'di kaya naiinggit sa'yo.Pwede ba,tigilan n'yo nga ako sa mga kalechehan niyo. Problema n'yo 'yan pati ako dinadamay n'yo.At hello?Nasa Manila ako kaya ano ba pakealam ko sa mga nangyayari sa inyo d'yan sa Batangas.
Kasi naman
Kevin, kung makikipagbalikan ka sa 'ex' mo, siguraduhin mo na wala kang iniwan na umaasa, kaya pati yung binabalikan mo napepeste ang buhay.Malas mo lang at hindi na 'ko pumayag na magpagago sa'yo.Kung gago ka, mas gago/a ako kaya hindi ko na kelangan ng martilyo na ipupukpok sa ulo 'ko.At pwede ba,pakipag-sabihan lang mga babae mo na 'wag ako ang pestehin at tawagan na sasabihin na tigilan na kita kasi in the first place, I dumped you right?Ngayon kung hindi mo tanggap yun,malas mo lang,kung hindi mo ba naman kasi ako niloko sa loob ng isa't kalahating taon e di sana,tahimik buhay mo pati na rin buhay ko.
Alam mo ba,simula ng kumabit ang pangalan ko sa pangalan mo, hindi na natahimik cellphone ko sa kaka-ring dahil sa mga tumatawag sa'kin na mga babae mo.Hay naku,non-sense na mga isinusulat ko dito,non-sense ka din kasing tao.
Kelan kaya darating karma sa'yo?Matututo ka pa kaya?O magbabago?Haha,I pray na sana hindi ganun kalakas dating ng karma sa'yo kasi kung hindi,kawawa ka naman.
Kaya pwede,please lang,tigilan mo na mga kagaguhan mo para tumahimik na rin ang buhay ko na dati ng tahimik na ginulo mo lang,bago ko pa makalimutan na minahal kita at kinakapatid kita!
Nga pala,para sa mga 'girlfriend/s' n'ya,ingat kayo,masayadong matamis dila n'yan,baka pati kayo magaya sa'kin. :)
|
loved by DANA 5:11 PM